
>Noong akoy nagaaral pa akala ko pagkatapos ng theology magkakaroon ako ng mas maraming oras upang patuloy kong magawa ang blog na ito. Sa dalawang taon ng aking pagkapari pagkatapos ng pagaaral ng aking napatunayan sa aking sarili na isang napakalaking pagkakamali na isipin na hadlang ang akong pagaaral upang magawa ko ang aking ninanais.Dalawang taon ang lumipas ang ngayon ko palang muling nagawang buksan ang blog na ito. ano bang naging dahilan ng pangyayaring ito? Oras ba ang dahilan? Ang katunayan hindi oras ang problema ngunit ang disiplinang gawin ang mga bagay bagay na nais kong gawin ang naging handalang upang hindi ko matugunan ang maraming kong ninanais na gawin. Naway sa aking kamulatan sa pangyayaring ito ay akin ng matutunang disiplinahin ang sari upang makamtan ang mga bagay bagay na aking minimithi. Emmanuel naway ito ang maging ispirasyon ko upang mapamahagi ko ang akong pananampalataya... ang aking pagkapari.